Skip to main content
close

KingCounty.gov is an official government website. Here's how you knowexpand_moreexpand_less

account_balance

Official government websites use .gov

Website addresses ending in .gov belong to official government organizations in the United States.

lock

Secure .gov websites use HTTPS

A lock lock or https:// means you've safely connected to the .gov website. Only share sensitive information on official, secure websites.

Mga South Link Connections

Habang lalong pinalalawak ang Link light rail nang patimog sa pamamagitan ng tatlong bagong estasyon sa Kent Des Moines, Star Lake, at Downtown Federal Way, layon ng proyektong South Link Connections na pagandahin ang mga opsiyon sa transportasyon para sa mga komunidad sa South King County. Nakikipagtulungan ang Metro sa Sound Transit Nagbubukas sa bagong tab at sa iba pang mga kaakibat upang makagawa ng bagong network ng transit batay sa feedback ng komunidad.

Pangkalahatang-ideya ng proyekto

Sa taong 2026, palalawakin ng Sound Transit ang Link light rail nang patimog sa pamamagitan ng tatlong bagong estasyon: Kent Des Moines, Star Lake, at Federal Way Downtown. Maaari ding magkaroon ng mga pagbabago sa mga bus ng ST Express sa lugar na ito.

Para mapabuti ang transit network para sa lahat, nagsimula ang Metro ng proyekto para sa mga komunidad sa South King County tulad ng Algona, Auburn, Burien, Des Moines, Federal Way, Kent, Normandy Park, Pacific, SeaTac, Tukwila pati na rin sa ilang bahagi na hindi sakop ng King County. Lilikha ang proyektong ito ng bagong transit network na mag-uugnay sa mga Metro bus sa Link light rail, ST Express bus at mga serbisyo ng Pierce Transit sa King County. Nakikipagtulungan ang Metro sa Sound Transit at iba pang mga ahensiya ng transportasyon at mga lungsod para sa proyektong ito. Itatayo ang bagong transit network kasabay ng pagbubukas ng mga bagong istasyon ng Link light rail.

Mga layunin ng proyekto

  • Pagandahin ang mga opsiyon sa pagbiyahe para sa mga priyoridad na populasyon (gaya ng inilarawan sa mga pinagtibay na patakaran ng Metro).
  • Makipag-ugnayan at ipaalam sa komunidad ang tungkol sa mga pagbabago sa transit.
  • Mag-alok ng mga serbisyong isasama upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.
  • Dagdagan ang pangkalahatang kaayusan at kakayahang tumagal ng network ng transit.

Maiikling kahulugan

Isang serbisyo sa pirming ruta na maluwag na sumundo at maghatid ng mga pasahero sa mga hiniling na lokasyong partikular sa kanilang lugar. Karaniwang isang maliit na bus.

Ang bilang ng minuto sa pagitan ng mga biyahe sa bus.

Serbisyo ng bus na nakaiskedyul na umandar kada humigit-kumulang 15 minuto o nang mas mabilis pa mula 6am hanggang 7pm tuwing weekday, at kada 30 minuto o nang mas mabilis pa tuwing gabi at weekend.

Isang on-demand na serbisyo ng transit na nagbibigay ng mga biyahe sa loob ng maraming kapitbahayan sa King County. Puwedeng mag-book ng mga biyahe ang mga sumasakay gamit ang smartphone app ng Metro Flex o sa pagtawag sa telepono sa linya para sa pagrereserba.

Serbisyo ng transit na pinaaandar sa mga abalang oras ng biyahe (mula 6 hanggang 9am at mula 3 hanggang 7pm tuwing weekday).

Ang mga miyembro ng komunidad na Black, Indigenous, at may kulay; may mababa o walang kinikita; imigrante o refugee; may kapansanan; o gumagamit ng ibang wika.

Sound Transit

Ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon sa isang lugar na sabay-sabay na pinagagana upang matulungan ang mga tao sa pagbiyahe. Kasama na rito ang bus, rail, tren, maluluwag na serbisyo, atbp.

Mga priyoridad sa mobilidad ng proyekto

Nangalap ang Metro ng feedback mula sa komunidad sa iba’t ibang paraan sa Yugto 1 at nakipagtulungan sa Mobility Board para itakda ang limang pangunahing priyoridad sa ibaba. Ginamit ng Metro ang mga priyoridad na ito bilang batayan sa mga panukalang pagbabago sa transit network.

Mas malawak na sakop ng transit

Pinagandang serbisyo sa madaling araw at dis-oras ng gabi

Mas mabibilis na biyahe sa loob at labas ng lugar ng proyekto

Mga pinagandang koneksiyon ng transit sa silangan-kanluran

Pinaraming serbisyo sa weekend, lalo na tuwing Sabado

Patuloy na makikipagtulungan ang Metro sa ating mga kaakibat tungkol sa iba pang tinukoy na mga pangangailangan, kabilang na rito ang:

  • Pagpapanatili sa dalas at pagpapadalas sa pagdating ng bus.
  • Pagsasaayos sa serbisyo sa tanghali tuwing weekday.
  • Pagpapadali sa mga paglipat sa loob ng lugar ng proyektong South Link Connections.
  • Pagdaragdag ng kaligtasan at kaginhawahan sa mga himpilan ng transit at sa mga bus/tren.
  • Paglalaan ng mga biyaheng higit na maaasahan at nasa oras.

Panukalang network sa Yugto 3

Ginamit ng Metro ang mga priyoridad sa itaas, mga pinakamahusay na kagawian sa pagdidisenyo ng serbisyo, at mga pagsasaalang-alang sa pagkakapantay-pantay para magmungkahi ng mga pagbabago sa transit network sa South King County.

Mga mahahalagang punto ng panukala para sa Yugto 3

  • Mga bagong koneksiyon sa transit: Pagdaragdag ng mga bagong koneksiyon sa mga paparating na istasyon ng Link light rail.
  • Buong araw na serbisyo: Pamumuhunan sa mga ruta ng bus na nag-o-operate buong araw, araw-araw, na may 47% mas maraming biyahe tuwing weekday at 80% mas maraming biyahe tuwing weekend.
  • Bago at pinahusay na serbisyo tuwing weekend: Bagong serbisyo tuwing Sabado at Linggo sa Burien at bagong serbisyo tuwing Linggo sa pagitan ng Kent at Federal Way. Mas madalas na serbisyo tuwing weekend sa pagitan ng Kent Des Moines Station, Kent Station, Kent East Hill at Green River College. Sa kabuuan, magbibigay ang network sa Yugto 3 ng 61% mas maraming biyahe tuwing Sabado at doble ang dami ng biyahe tuwing Linggo kumpara sa kasalukuyan.
  • Pinahusay na serbisyo sa east-west: Pinapaganda ang mahahalagang ruta sa buong lugar, kabilang ang:
    • Bagong madalas na serbisyo na nag-uugnay sa Highline College, Kent Station at Green River College.
    • Madalas na serbisyo sa pagitan ng Twin Lakes Park & Ride, Federal Way Downtown Station at Auburn Station.
  • Mga serbisyong ayon sa pangangailangan: Ilulunsad ang dalawang bagong on-demand na pilot na serbisyo ng Metro Flex sa Federal Way at Auburn para mas maraming tao ang makakakonekta sa transit.
  • Mas mabilis na serbisyo: Ina-update ang mga ruta ng bus sa pagitan ng West Federal Way at Downtown Federal Way para maging mas mabilis, direkta, at madaling gamitin ang koneksiyong ito.
  • Mga pagbabago sa ruta: Inaalis ang ilang ruta ng pag-commute sa pagitan ng South King County at Downtown Seattle para:
    • Iwasan ang magkasabay na serbisyo sa Link light rail.
    • Muling gamitin ang mga mapagkukunan mula sa mga rutang ito para palakasin ang buong araw at buong linggong serbisyo na kumokonekta sa Link light rail.

Sagutan ang aming survey hanggang Agosto 31

Iminungkahing mapa ng lugar ng network ng South Link Connections.

I-tap o piliin ang mapa upang palakihin at galugarin ang mungkahing network, o tingnan ang paghahambing sa kasalukuyang network.

Mga pagbabago sa serbisyo ayon sa uri

Bagong serbisyo

164, 166, DART 902, proyekto ng ekstensyon ng Link light rail sa Federal Way, panubok na serbisyo ng Metro Flex sa South Auburn, panubok na serbisyo ng Metro Flex sa Federal Way

Pinagandang serbisyo

181, 182, 183, DART 631, DART 903

Nirebisang serbisyo

156, 187, 193

Walang pagbabago sa serbisyo

A Line

Mga inalis na ruta

121*, 122*, 123*, 154*, 157*, 162, 165, 177, 178*, 179*, 190*, 197*, DART 901

* Mga rutang pansamantalang suspendido o hindi kasalukuyang gumagana

Mga pagbabago sa serbisyo ayon sa lugar

Ang proyektong South Link Connections ay hinati sa dalawang bahagi: hilaga at timog. Kasama sa Ang hilagang bahagi ang Burien, Des Moines, Kent, Normandy Park, SeaTac, at Tukwila. Kasama sa Ang timog na bahagi ang Auburn, Algona, Federal Way, at Pacific. Upang malaman pa ang tungkol sa mga panukalang pagbabago sa iyong lugar, i-click ang mga tab sa hilagang bahagi at timog na bahagi sa ibaba.

Proseso at timeline

  • Marso hanggang Abril 2024

    Yugto 1: Pagtatasa ng Mga Pangangailangan

    Sa unang yugto ng pakikipag-ugnayan, ibinahagi ng Metro ang impormasyon tungkol sa pangkalahatang ideya ng proyekto. Nangalap kami ng impormasyon tungkol sa mga pangangailangan sa serbisyo sa pamamagitan ng pagsusuri sa umiiral na datos at mga ulat mula sa mga kamakailang pakikipag-ugnayan, direktang feedback mula sa mga survey, personal na pakikipag-ugnayan, mga pag-uusap sa Mga Community-Based Organization (CBO) at mga input mula sa aming Partner Review Board at Mobility Board. Sinuri namin ang feedback para mahanap ang mga karaniwang tema at nakipagtulungan kami sa Mobility Board para matukoy ang mga pangunahing priyoridad. Ang mga priyoridad na ito ang tumulong sa paghubog ng draft na plano ng serbisyo, na aming ibinahagi para sa pampublikong feedback sa ikalawang yugto.

  • Taglamig 2024 hanggang 2025

    Yugto 2: Mga Konsepto ng Serbisyo

    Sa ikalawang yugto ng pakikipag-ugnayan, ibinahagi ng Metro ang mga panukalang pagbabago sa mga ruta batay sa mga feedback mula sa Yugto 1. Nangalap kami ng mga feedback hinggil sa mga panukalang pagbabago para mas maunawaan ang mga priyoridad ng komunidad at kung paano ito dapat maging gabay sa anumang update ng plano. Nangalap kami ng direktang feedback mula sa mga survey, personal na pakikipag-ugnayan, at mga pag-uusap sa Mga Community-Based Organization (CBO). Ipinaalam namin sa mga tao kung paano makilahok sa pamamagitan ng mga campaign sa social media, mga blog post sa iba’t ibang wika, mga ad sa iba’t ibang uri ng media, mga Transit Alert sa text at email, mga Rider Alert sign sa mga hintuan ng bus at mga transit center, at pagbabahagi ng impormasyon sa maraming wika online at sa nakaimprentang anyo. Pinagsama namin ang Mobility Board at Partner Review Board para talakayin ang mga epekto ng Yugto 2 sa pagkakapantay-pantay, ang aming mga natutuhan mula sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, at ang mga pangunahing benepisyo at hamon ng iba't ibang opsyon para sa transit network.

    Buod ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad sa Yugto 2

  • Tag-init 2025

    Kasalukuyang Yugto

    Yugto 3: Panukala sa Serbisyo

    Sa huling yugto ng pakikipag-ugnayan, ibabahagi ng Metro sa publiko ang mga na-update na plano ng serbisyo, na ipinapaliwanag kung paano nakaimpluwensiya ang mga feedback ng komunidad mula sa Yugto 2 sa mga pagbabagong ito. Hihingi kami ng feedback kung paano mapapabuti ang mga plano bago ito tuluyang isapinal. Ibubuod din namin ang mga naunang yugto ng proyekto, ipapaliwanag kung paano nakaapekto ang feedback ng komunidad sa pinal na plano, at tatalakayin ang mga susunod na hakbang. Makikipagtulungan ang Metro sa Mobility Board at Partner Review Board para isapinal ang panukalang South Link Connections ngayong taglagas. Inaasahang kikilos ang Konseho ng King County sa unang bahagi ng 2026.

Mga paraan ng pakikilahok

Sa pamamagitan ng tuwiran at tapat na proseso ng pakikipag-ugnayan sa komunidad na binubuo ng tatlong yugto, inaalis ng Metro ang mga balakid at nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga komunidad ng South King County upang maipahayag ang kanilang mga pangangailangan sa transit at magkaroon ng makabuluhang tungkulin sa pagtataguyod ng mga pagbabago sa ruta ng Metro. Nakikipagtulungan ang Metro sa mga lokal na komunidad, partikular na sa mga priyoridad na populasyong hindi naisasali sa mga pag-uusap na may kinalaman sa pagpapasya noon pa man at di-balanseng naapektuhan ng pagpapasyang ito, gamit ang mga diskarteng makabuluhan, ingklusibo, at nakatuon sa komunidad. Nagkakaisa tayo upang mapahusay, makuhanan ng feedback, magawan ng ebalwasyon, at mapagpasyahan ang pinakamagagandang pagbabago sa ruta para sa mga komunidad ng South King County.

Sagutan ang aming survey hanggang Agosto 31

Sa yugto 1, nagtaguyod ang Metro ng isang Mobility Board para sa South Link Connections bilang kinatawan ng lugar ng proyekto na patas na kumakatawan sa mga grupo ng mga taong hindi naisasali sa mga pag-uusap na may kinalaman sa pagpapasya kaugnay ng transit noon pa man at di-balanseng naapektuhan ng pagpapasyang ito. Ang pangunahing tungkulin ng Mobility Board ay makipagtulungan sa mga kawani ng Metro upang makabuo at makapagsaayos ng kinoordinang network ng transit sa South King County.

Sa proseso ng pakikipag-ugnayan, nakikipagpulong ang Metro sa mga panlabas na stakeholder na nagsisilbing review board ng konsepto, na kilala bilang Partner Review Board. Kasama sa Partner Review Board ang mga kinatawan mula sa mga lokal na hurisdiksiyon at malalaking institusyon sa lugar ng proyekto, mga lider ng mga organisasyong nakabatay sa komunidad, at mga kinatawan mula sa mga ahensiya ng kasosyong transit. Ang pangunahing tungkulin ng Partner Review Board ay upang repasuhin at magbigay ng komento sa mga konsepto ng serbisyo na binuo ng Mobility Board. Kung ang organisasyon mo ay nasa loob ng lugar ng serbisyo at interesadong sumali sa Partner Review Board, mangyaring kumpletuhin ang maikling form ng pagtatanong.

Pagsusuri sa Epekto ng Ekidad

Ang proyekto ng South Link Connections ay magsasama ng isang pag-aaral para sa Equity Impact Review (EIR, Pagsusuri sa Epekto ng Ekidad) upang matiyak na mapagaganda ng mga panukalang pagbabago ang mobilidad at access sa transportasyon para sa mga populasyong kulang sa serbisyo noon pa man sa King County. Sa bawat yugto ng proseso ng pagpaplano, susuriin ng Metro ang mga teknikal na datos at resulta mula sa pakikipag-ugnayan sa mga priyoridad na populasyon upang maunawaan ang inaasahang epekto sa mga komunidad na kulang sa serbisyo at pagbutihin ang mga pagpapasya sa pagpaplano.

Ang pagsusuri ng Equity Impact Review (EIR), mga feedback mula sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, at mga pinakamahusay na kagawian sa disenyo ng serbisyo ay magsisilbing gabay sa mga panukalang pagbabago sa proyekto ng South Link Connections.

Makipag-ugnayan sa amin

Makipag-ugnayan sa amin sa iyong gustong wika sa pamamagitan ng pag-email sa: haveasay@kingcounty.gov

Mag-subscribe upang makatanggap ng mga update

Tumanggap ng mga update sa proyekto at anunsiyo tungkol sa mga kaganapan at mga napagtagumpayan. Upang mag-subscribe, ilagay ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa serbisyong ito, makipag-ugnayan sa amin.

expand_less