Skip to main content

Hinaharap ng Mga Serbisyo ng mga Transportasyong Pampubliko para sa mga Taong may Kapansanan (Paratransit).

Nagpaplano ang King Country Metro para sa hinaharap na kanilang serbisyo ng paratransit rideshare, Transportasyon ng Access. Ang proyekto ay tinatawag na “Future of Paratransit” (Hinaharap ng Paratransit) at makakatulong sa paghubog ng serbisyo para sa susunod na lima hanggang sampung taon.

Surbey sa Karanasan sa Access

Ikaw ba ay pasahero ng Access, tagapag-alaga o tagapagbigay ng serbisyo? Sagutan ang Surbey sa Karanasan sa Access

Surbey ng pasahero | Surbey ng tagapag-alaga | Surbey ng tagapagbigay ng serbisyo (Sa wikang Ingles)

Ano ang Transportasyon ng Access?

Nagbibigay ng naa-akses na serbisyo ang Metro sa mga pasahero na may mga kapansanan sa ating buong sistema ng transportasyon. Para sa mga may kapansanan na hindi makasakay sa tradisyonal, nakapirming ruta ng mga bus at tren, ang programa ng Metro’s Access Paratransit (Access) ay nagpapatakbo ng isang katulad at naa-aakses na network ng mga sasakyan na may mga drabyer na partikular na sinanay upang magbigay ng higit pang tulong sa mga pasahero. Noong 2023, mahigit sa 12,000 na tao ang nakarehistro para gumamit ng Access, at humigit-kumulang sa 8,900 na taong may mga kapansanan ang nagbyahe sa buong King County. Naglakbay nang mahigit sa 5.5 milyong milya ang Transportasyon ng Access, na naghatid ng halos 750,000 na pagsakay.

Ang “Batas para sa mga Amerikanong may mga Kapansanan” (Americans with Disabilities Act, ADA) ay nangangailangan ng akses sa pampublikong transportasyon para sa mga taong may kapansanan. Ang mga kwalipikasyon para magamit ang serbisyo ng paratransit ng Metro’s Access ay kinakailangan ng pederal.

Pahina ng Serbisyo sa Transportasyon ng Access (Ingles)

Pangkalahatang Ideya ng Proyekto

Inilulunsad ng Metro ang proyektong Future of Paratransit para suriin ang programa ng Transportasyon ng Access — kung paano gumagana at tumutulong sa mga pasahero na makarating sa kanilang mga destinasyon — na may layuning hubugin ang serbisyo para sa 2027 at higit pa. Pinapalawak ng Metro ang dami at uri ng feedback na natanggap mula sa mga pasahero. Hihingi kami ng feedback mula sa komunidad, mga tagabigay ng serbisyo, at iba pa para gabayan ang prosesong ito.

access bus

Layunin

  • Magbigay ng komportable at madaling gamitin na serbisyo para sa mga taong may kapansanan na hindi makagamit ng nakapirming ruta o iba pang serbisyo sa transportasyon.
  • Nakaayon sa King County at mga layunin ng Metro para sa pagbibigay ng mahusay, epektibo, at napapanatiling transportasyon.
  • Makipag-ugnayan sa kasalukuyan at potensyal na mga gumagamit ng Access, grupo ng komunidad, tagabigay ng serbisyo, tagapag-alaga, at iba pang mahahalagang grupo sa buong proseso.

Mga Layunin

  • Tukuyin ang isang nais na modelo ng serbisyo na mahusay, epektibo, napapanatiling, at nakikinabang sa pag-akses at kasiyahan ng pasahero.
  • Suriin ang mga pangangailangan ng gumagamit at kasosyo na bumuo ng mga pagpapabuti ng serbisyo.
  • Bumuo ng isang plano sa transisyon at gumawa ng anumang mga natukoy na pagbabago.
access bus

Pakikipag-ugnayan sa madla

Ang Hinaharap ng Paratransit ay nakatuon sa mga taong gumagamit o nakikipag-ugnayan sa serbisyo ng Transportasyon ng Metro Access. Kabilang dito ang kasalukuyan at potensyal na pasahero ng Access paratransit , mga tagapag-alaga ng mga pasahero ng Access paratransit at mga kinatawan ng mga organisasyong nagbibigay ng mga serbisyo sa/o sumusuporta sa mga pasahero ng Access paratransit.

Mahahalagang mga detalye

rate_review

Pagsusuri at pagpili ng modelo ng serbisyo

Sinusuri ng King County Metro ang kasalukuyang modelo ng serbisyo ng paratransit, nagsasaliksik ng mga pinakamahuhusay na kagawian, nagtatatag ng proseso ng pagsusuri, at tinutukoy kung ang kasalukuyang modelo — o ibang modelo — ay pinakamainam para sa Metro at mga pasahero ng Metro Access.

airport_shuttle

Karanasan ng kustomer at kalidad ng serbisyo

Susuriin at i-update ng King County Metro ang mga patakaran at pamamaraan ng Access' upang mapabuti ang karanasan ng mga pasahero, mga tagapag-alaga, at tagapagbigay ng serbisyo. Kasama sa mga patakaran at pamamaraan ang mga bagay tulad ng pag-akses sa impormasyon ng serbisyo, teknolohiyang ginagamit ng mga kustomer, pagpapahusay ng sasakyan, pagpapahusay ng akses sa wika, pagpapareserba sa biyahe, pagsakay, karanasan sa biyahe ng pasahero, at komunikasyon sa pagitan ng mga drayber at kustomer.

accessible_forward

Paglikha ng Hinaharap ng plano sa Paratransit

Nakabatay ayon sa mga natukoy na pagpapahusay ng serbisyo at pagpili ng modelo ng serbisyo, bubuo ang Metro ng plano sa transisyon at gagawa ng anumang kinakailangang pagbabago. Ibabahagi ang higit pang impormasyon habang umuusad ang proyekto.

Timeline ng proyekto

Nakumpleto sa parehong oras sa kabuuan ng timeline ang ilang mag partikular na gawain.

  • Taglamig ng 2023 - Taglagas ng 2024

    Pagsusuri sa modelo ng serbisyo ng Access

  • Tagsibol ng 2024 - Tag-init ng 2025

    Ang karanasan ng kustomer at pagsusuri sa kalidad ng serbisyo

  • Taglagas ng 2025 - Taglamig ng 2029

    Transisyon sa Hinaharap ng plano sa Paratransit

Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

Gusto ng Metro na malapitang makipagtulungan sa mga pasahero ng Access, kanilang mga pamilya, grupo ng komunidad, at iba pa na tumutulong sa kanila upang hubugin ang Hinaharap ng Paratransit. Gumagamit kami ng makabuluhan, inklusibo, at mga pamamaraang hinimok ng komunidad para maipaalam at isama ang komunidad sa pagpapasya sa mga pinakamahusay na pagbabago para sa mga serbisyo ng Metro Access.

Ang Hinaharap ng Paratransit ng metro ay gagawin sa pamamagitan ng pagsusuri ng data at mga ulat mula sa kamakailang pakikipag-ugnayan sa komunidad at pangangalap ng bagong feedback mula sa mga pasahero, tagapagbigay ng serbisyo, at iba pang nauugnay na grupo sa pamamagitan ng mga surbey, panayam at nakatuon na talakayan.

access bus

Komite sa Pagpapayo ng Access Paratransit (Access Paratransit Advisory Committee)

Itinatag noong 2018, ang Access Paratransit Advisory Committee (APAC) ay nilikha upang magbigay ng payo at payo sa serbisyo ng Access paratransit at para tumukoy ng mga pagkakataon para sa patuloy na pagpapabuti. Magpapayo ang komite sa kabuuang proyekto at kinakatawan sa Hinaharap ng Paratransit Mobility Board. Para sa karagdagang impormasyon o upang sumali sa komite, bisitahin ang website ng APAC.

Pahina ng Access Paratransit Advisory Committee, APAC (Ingles)

Hinaharap ng Paratransit Mobility Board (Future of Paratransit Mobility Board)

Bumubuo ang Metro ng Future of Paratransit Mobility Board na kinatawan ng mga pasahero ng Access, tagapag-alaga, tagabigay ng serbisyo, at mga tagasuporta sa paggalaw ng mga pasahero ng Access. Hinahangad din ng Metro na pantay-pantay na kumatawan sa mga taong naiwan sa mga usapin ng paggawa ng desisyon na nauugnay sa pagbibiyahe at kung sino ang pinakakaraniwang apektado ng mga desisyong ito. Ang Future of Paratransit mobility board ay magbibigay ng direktang feedback sa patakaran, pamamaraan, at mga update sa serbisyo pati na rin ang mga epekto sa mga posibleng pagbabago sa modelo ng serbisyo.

Pahina ng Future of Paratransit Mobility Board

Surbey sa Karanasan sa Access

Para lumikha ng plano sa Hinaharap ng Paratransit, kailangan ng Metro ng iba't ibang feedback ng komunidad. Isa ka bang pasahero ng Access, tagapag-alaga o tagabigay ng serbisyo? Kumuha ng Surbey sa Karanasan sa Access.*

Surbey ng Pasahero ng Access

Surbey ng tagapag-alaga ng (mga) pasahero ng Access

Surbey tagabigay ng serbisyo (Sa wikang Ingles)

*Pakitandaan, na hiwalay ang Surbey ng Karanasan sa Access mula sa taunang Surbey sa Kustomer ng Access.

Surbey ng Kustomer ng Access

Ang Surbey sa Kustomer ng Access” (Access Customer Survey, ACS) ay isang paraan ng Metro na taunang pagsusuri sa ating aktibong mga kustomer na gumagamit ng serbisyo sa Transportasyon ng Access. Ginagamit namin ang feedback ng kustomer na ito para matukoy ang mga lugar para sa pagpapabuti. Ang mga tugon ng pasahero sa Surbey ngayong taon ay makakatulong din sa paghubog ng plano ng Hinaharap ng Paratransit.

Minsan sa loob ng taon — mula Marso 2024 hanggang Marso 2025 — maaaring makatanggap ng postcard ang mga pasahero ng Access na nag-iimbita sa kanila na kumpletuhin ang surbey sa pamamagitan ng telepono. Ang surbey ay makukuha sa Ingles, Espanyol, Vietnamese, Tsino/a, Amharic at Tagalog. Kailangan ng tulong sa ibang wika? Magagamit ang mga tagapagsalin sa telepono.

access bus logo

Mahalaga ang mga usaping pagkakapantay-pantay

Nilalayon ng Metro na mangalap ng feedback at mga komento na pantay na kumakatawan sa mga grupo ng mga taong dati nang naiwan sa usapin ng paggawa ng desisyon na may kaugnayan sa paratransit at hindi gaanong apektado ng mga desisyong ito. Kabilang dito ang mga Itim, Katutubo, at mga taong may kulay; mga taong may kapansanan sa pisikal at/o kapansanan sa pag-iisip; mga wala o mababa ang kita; mga imigrante at refugee; at mga komunidad na may magkakaibang wika. Humihingi din kami ng feedback mula sa mga matatanda, estudyante at kabataan at mga taong kinikilala bilang LGBTQIA+ sa loob ng mga grupong iyon.

Librarya ng Mapagkukunan

Gabay sa Pagsakay sa Access (Ingles)

Gabay ng pasahero para sa paggamit ng serbisyo sa Transportasyon ng Access

Pampublikong Transit at Americans with Disability Act (Ingles)

Impormasyon tungkol sa Americans with Disability Act at ang mga kinakailangan nito para sa mga pampublikong sistema ng transportasyon

Kautusan ng Federal Transit Administration tungkol sa mga serbisyo ng paratransit (Ingles)

Mga regulasyon ng Federal Transit Administration na nag-uutos ng paratransit at mga pamantayan sa pagiging kwalipikado para sa mga gumagamit ng paratransit

expand_less